James307 (User)
Senior Boarder
Posts: 57
|
|
Love for Evangelism (Pag- aakay ng mga kaluluwa) 2 Months, 1 Week ago
|
Karma: 0
|
Mga kaibigan at kapatid sa pananampalataya, ito po ay isang mensahe para sa bawat isa at hamon bilang isang Kristiano at bilang isang tao, na maging bukas ang puso sa gawaing ito, ang pagpapatuloy sa paglilingkod sa Diyos na napakahalagang gawain kahit na maliit lamang ito, kung ang mga minamahal mo sa buhay ay hindi pa ligtas, ibibigay mo ba ang panahon mo kahit sandali para bahaginan sila? Nasasayang ang oras at mga pagkakataon, dahil minsan ang takot at hiya ay pinangungunahan tayo, mananatili nalang ba tayong tahimik? Habang sila na patungo sa impyerno ay kaawa- awang hindi nakakaalam ng daan ng kaligtasan, na pananampalataya kay Hesus, mga kabigan at kapatid wag nating hayaan na ang galit sa ating kapwa ang dahilan ng pag- wawalang bahala natin kung meron man, at buksan ang puso iyong puso para sa gawain tulad ng pagtanggap mo kay Hesus na pinaghahawakan ang pangako ng buhay na walang hanggan, kung mahal natin ang Diyos, mahalin natin ang ating kapwa kahit ano pa siya.
Kung ikaw ay sundalo ni Kristo at nais mong makatulung sa mga kapatid sa ibang lugar sa pamamagitan ng evanghelismo at pag- aaral, inaanyayahan po naming kayo na sumali at bumisita sa:
bibliyaangsasagot.wetpaint.com" target="_blank"> bibliyaangsasagot.wetpaint.com
(type po sa address bar para makita)
Para sa lahat po ang site na ito kahit anong kaanib kang iglesia.
Salamat po at sa Purihin ang ating Diyos magpakailanman.
Brother in Christ,
James M. Gutierrez
Young Bible Theologian
|
|